Monday, February 12, 2007

kabanata XXX: si huli.

misleading na naman ang title ko.

siguro akala niyo na magkwekwento naman ako tungkol sa el filibusterismo. sus. ang kulit. hindi pa nga ako nauulol sabi eh.

kung medyo may konti kang common sense. maiisip mo nang usapang ex ito. kung naisip mo, ang galing mo talaga.

ewan ko ba. nagbloghopping ako kani-kanina lang at ayun, sa 20 blogs na napuntahan ko, 14 ang may posts ukol sa valentine's day. (trivia: 20 random blogs lang ang binibisita ko sa isang araw. bihira lang sumobra kapag maraming nagcomment.)

bakit ba lahat ng tao eh parang may love story na pwedeng ishare sa buong madla. at ano naman kaya ang dating ko roon? kawawa na kaya ang tingin niyo sa akin kasi parang polluted na kaagad ng libog ang utak ko eh ang bata ko pa. tapos mukha pang wala akong lovelife. sabi ko nga sa isa sa mga napuntahan kong blogs.
love is so delutional to last long.
.

ewan ko. ang bobo no?

--
ex. ex. ex.

bakit nahihiya kang pansinin ang isang ex?
dahil ba nasaktan ka?
masama ang loob mo dahil niloko ka?
dahil iniwan ka?
o bakan naman..
nahihiya ka lang aminin na..

pinatulan mo siya?


habang abala ang lahat sa pagkakandarapa sa pagbili ng bulaklak, cards o kung ano pa mang ireregalo sa iniirog nila, narito ako't tumitipa ng isang obra para sa aking mga dakilang 'ex'.

nasaktan ako. hindi masama ang loob ko dahil niloko ako. hindi ako iniwan. nahihiya lang akong aminin na pinatulan ko sila. haha.

aminado ako, hindi ako kasing ganda ng kung sino mang diyosa na maaring pumasok sa utak mo. kamukha ko si angel aquino. (trivia uli: pito sa sampung tinanong ko ang nagsabing hawig nga kami ni angel aquino). yun lang. hindi rin naman sobrang mahubog ng katawan ko. pero basta.

balik sa ex. ayun. ang labo lang talaga pero malas lang siguro talaga ako pagdating sa pag-ibig na iyan. at malas sa akin ang date na 25. sobra. sa apat kong naging karelasyon (official man o hindi), 25 ang date kung kailan kami naghihiwalay ng landas. kung hindi mo gets, 25 kami nagbebreak.

boyfriend number 1: chickboy igiling mo. please please igiling mo.


wala lang. 13 pa lang ako nang maging kami. at ang matindi roon, hindi ko matandaan kung kailan naging kami. hindi siya naging sobrang memorable. marahil dahil na rin sa hindi ko naman talaga siya mahal. kung baga, subok lang. 13 pa lang kasi eh, masyadong naatat makapasok sa isang bagay na ayun, magulo pala.

kay bf1, napasubo lang. tumagal ng 11 months na parang switch na relasyon. on-off. nagwakas noong april 25 (hala. anung taon nga ba?)

boyfriend number 2: langit lupa. mahuli, taya.

roller coaster. una muna pasulong, tapos ayun na, ang taas. kung kailan ang saya na, nasa itaas ka na, saka biglang boom! bumagsak ka na pala.

parang ganun eh. pero siya na siguro ang unang nagpamalas sa akin ng tunay na pagmamahal. masaya. hindi ko siya malilimutan. hinding-hindi.

siya ang una. holding hands. date na date talaga. nood ng movie together. unang kilala ng pamilya ko. una. una. una. UNANG HALIK. ha. ewan ko. pag-ibig nga kasi sabi eh.

kay bf2, hindi man opisyal. ewan. masaya. masayang-masaya. nakakaguilty. hindi pa rin tapos. tatapusin na. sa ngayon, dalawang taon na, at maari nang matapos mamaya. nalamatan na noong june 25, 2005.

boyfriend number 3: i need you like.. ugh. hell.

ayan. may buntong-hininga na, may ingles pa. siguro sa lahat, ito na ang pinakamasaya. dito na ako sa relasyong ito kinilig. dito ko na natutunan ang magmature. maghintay. umasa. magmahal. magmahal. at magmahal lang talaga. mahal na mahal namin ang isa't isa hanggang sa hindi na namin natagalan ang ilang mga kumplikadong sitwasyong hindi na namin matakasan. magulo. hindi ko na kayang ilarawan nang husto.

kay bf3, masaya. malungkot. magulo. maayos. kagaguhan. tumagal nang 6 months. nagwakas noong november 25, 2006.

boyfriend number 4: hala. maginaw.

ewan ko. wala akong masabi. kinilig naman ako kahit paano pero ewan. wala talaga akong masabi.

kay bf4, salamat. minulat mo ang utak ko sa kalibugan ng mundo. tumagal ng 13 days. ang lupit. ewan. nakakaaliw. nakakatawa. tang ina. natapos noong january 25, 2007.

masaya na siguro ako ngayon. pero hindi eh. malungkot ako. malungkot ako. malungkot. pero hindi pa rin. hindi talaga.

masaya na muna ako. hanggang ngayon lang. mga dalawang minuto.

at sa huli kong pagtipa, nawa'y tumagal ang sarap ng labing-isang minuto sa loob ng isang taong mababakante muna ang puso ko.

this heart of mine was broken at 5:52 AM
12 LUSTed me. :x

just me.

  • i am someone.
  • contrary to my url, i am not promiscuous.
  • im only 16.
  • id love to do it with you..

so far, none yet.

screw the past.