Saturday, February 17, 2007
tapos na si simoun at maria clara.
ang bobo ko. wala na siguro akong ibang pwede pang sabihin sa sarili ko ngayon kung hindi isang walang kasing lutong at walang kasing lupit na "BOBO!". sus. may kutos pa siguro iyang kasama.
ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. parang ang bigat sa loob kong isipin na nahuhulog na naman ako sa kawalang-kasagutan. masyado nang magulo ang utak ko. dumami pang lalo ang mga paliko-liko ng lintik kong utak. tapos itong punyeta kong puso, nakikisawsaw pa.
ni sa hinagap, hindi ko minsan man naisip na magkakaganito ako. alam ko namang medyo masama akong tao, pero ano nga kayang nagawa ko para danasin ang mga katarantaduhang nangyayari sa buhay ko ngayon?
wala naman akong ibang kasalanan eh. malibog lang ako. yun lang. wala nag iba. hindi ako nananakit ng ibang tao. hindi ko naman ginagamit ang mga bagay na alam ko at meron ako para sa kasiraan ng ibang tao. wala namang akong ibang hinangad kung hindi ang matanggap ako ng mga tao. kung ano at kung sino talaga ako. wala akong ibang kasalanan. wala akong batas ng Diyos na nilabag, bukod sa pagkakaroon ng maduming utak. wala nang iba.
wala akong ibang pagkakamaling ginawa. ngayon lang. ngayon na nalglag na naman ang puso ko.
baka naman magreact kayo at sabihin niyong, "aba, naka-aapat na nga itong malibog na babaeng ito, aariba na naman". sus. kung ganyan ng ang iniisip niyo, pwes. hindi ganyan. ewan ko. basta, hindi ganyan.
bago ko pa maging boyfriend si bf4, nakilala ko na itong lalaking ito. takot na atakot talaga ako sa kanya. iniingatan ko nang husto ang puso kong huwag magpabiktima sa mapanlinlang at mabulaklak niyang pananalita. nakaiwas man ako nang maging kami na ni bf4, hindi naman ako makawala ngayong wala na kami.
hindi ko alam kung paano nagsimula at kung kelan umusbong itong putang inang pag-ibig na ito para sa kanya. basta bigla na lang, nalaglag na pala ako.
okay lang sana eh. wala namang problema. pero sadyang naging mapaglaro ng mga pangyayari, huli na bago ko nalaman na masyado lang pala akong umasa. ang akala ko kasi pareho kami ng nararamdaman. ang akala ko naiintindihan niya ako. ang akala ko, handa siyang ipaglaban ang 'nararamdaman NAMIN'. pero tang ina. miselle, nanaginip ka.
natatandaan ko pa nung unang beses kong sinabi ang nararamdaman ko para sa kanya. sabi ko "i heart you.",sumagot siya ng isang napakatamis na "i heart you too." sinabi pa niya sa akin na kung panaginip lang daw ang lahat, huwag ko na raw siyang gisingin. ngayon lang daw siya nakatagpo ng taong hahawakan siya buong buhay niya. ngayon lang daw siya naging ganito kasaya sa tanang buhay niya. ang akala ko panghabambuhay na ang nakalulunod ana pag-ibig na yun.
ang habambuhay na aking pinakaaasam-asam, tatagal lang pala ng ilang oras. oras lang ang binilang ko bago magbago ang lahat. ang aga niyang binitawan ang kamay ko. at hindi lang iyon, nalaglag na rin pati ang puso ko, kaya ito ngayon, basag. hindi ko alam kung pagkakamali ko ba ito o mali niya. ayaw ko siyang sisihin pero ganoon talaga. ang puno't dulo nito eh, pinaniwala niya akong may habambuhay, yun naman pala, hanggang dun lang iyon sa mga sinusulat niya. hanggang dun lang pala sa lawak ng imahinasyon niya ang pag-ibig naming dalawa. hanggang katang-inahan lang.
sana hindi na lang talaga ako umasa. akala ko mababago na niya ang pananaw ko ukol sa bagay-bagay. akala ko ngayon, pag-ibig na ang mapapag-ukulan ko, hindi pa pala dapat. nagkamali na naman ako.
mali ako. maling-mali.

this heart of mine was broken at 4:38 AM
19 LUSTed me. :x
19 LUSTed me. :x