Thursday, March 8, 2007
walang bantas.
matapos ang matagal na pananahimik, (kung yun nga ang maaring itawag mo sa matagal kong pagkawala rito.) nandito na uli ako.
hindi ko alam pero maraming nagbago. hindi na ako kagaya ng dati na tila isang gamu-gamong hayok sa apoy. hindi na ako nadadala sa matinding bugso ng damdamin. hindi na ako madaling madarang sa tukso. (o marapat nga bang iyan ang gamitin na tamang salita para sa damdaming iyon) hindi na ako si miselle. hindi na ako malibog. wala na.
sa wakas ay nakawala na rin ako sa kabalahuraang kinahitnan ko sa loob ng ilang buwan. marahil, ang personang aking ginamit o ipinakilala sa madla nitong nakaraang buwan ay isang kathang-isip na pagkatao lamang. binuo lamang ng malikot kong isipan. pero hindi ko alam, malay mo may isang bahagi pala ng pagkatao ko na malibog talaga. ewan. lalaki siguro dapat talaga ako. hehe.
nitong mga nakaraang araw,(na umabot na yata ng mahigit dalawang linggo) wala na akong ibang ginawa kung hindi ang magbloghop at magbloghop uli. kung kaya naman updated pa rin ako sa mga nangyayari sa buhay ninyo.
wala siguro akong matinong maikwekwento sa ngayon. subalit kung gusto ninyong makabasa ng isang masalimuot na kwentong pag-ibig, basahin ang istorya ko sa ibaba.
--
sa dulo ng isang pangungusap: isang tuldok.
tuldok. katapusan. wala na.
hindi ko lubos akalaing hahantong sa ganito. bago ko pa man masiguro sa sarili ko na pagmamahal nga ang nararamdaman ko para sa kanya, nawala na siya sakin.
mali pala, hindi siya nawala pero yun na yun na nga ang gusto ko sanang mangyari.
hindi siya isang tipikal na tao. isa isang sobrang emosyonal na nilalang. at maari pa nga siyang manalong best sciptwriter sa dami ng kadramahan niya sa buhay. kakailanganin mo pa nga yata ng panyo kung makikinig ka sa mga kathang-isip niyang istorya. tila nababahiran na ng pagdadalamhati ang buo niyang pagkatao.
kahalintulad ng nararamdaman ni prince gian ng princess hours para kay princess janelle, nagsimula lang sumibol ang mumunting pag-ibig na ito galing sa awa. hindi ko alam, siguro naawa lang talaga ako sa kanya tapos yun pala, sa huli, ako ang kawawa. ewan. malabo talaga e.
sa totoo lang, siya naman ang unang nagtapat ng nararamdaman niya para sa akin. tapos ayun na nga, pilit kong pinaniwala ang sarili ko na ganun din ang nararamdaman ko para sa kanya, at sa huli, naging ganun na nga.
subalit bago pa man sumibol ang isang napipintong relasyon, unti-unti na siyang naglalaho. at ayun na nga ang dahilan ng madramang post ko an ito para sa kanya.
minahal ko siya. walang kahit na sinong may karapatan na kwestiyonin ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya. maaring naging napakaikli pa lamang ng panahon na naibigay upang makilala ko siya ng maayos. pero kahit na sino pa siya, kahit na gaano siya kababaw, kahit na gaano kagulo pa ang utak niya, minahal ko siya. walang pag-aalinlangan kong ibinigay ang buong puso at pagtitiwala ko sa kanya pero isang masalimuot na paalam ang iniwan niya.
walang bantas
sa isang iglap
bago pa man matapos
ang mga gumugulong ala-ala
na naglalaro sa aking isipan
isang tuldok ang inilagay
agad na pinutol ang daloy
ng aking isipan
ng aking nararamdaman
ng aking puso at kaluluwa
ng isang pag-ibig na sana
sa kahit anong paraan
isang kuwit pilit ko sanang isisingit
subalit sa aking pagkatao
ipinamukha mong
wala na talaga
dudugtungan ko lang sana
wala na pala
isang maayos na pangungusap,
hindi nabuo;
isang matinong relasyon,
wala pa man,
agad nang naglaho.

this heart of mine was broken at 3:35 PM
20 LUSTed me. :x
20 LUSTed me. :x